Consultant Ng Cpp-Npa-Ndf, Arestado Sa Checkpoint Sa Davao City

2

Arestado ang isang consultant ng CPP-NPA-NDF sa checkpoint ng mga sundalo sa Davao City. Kinumpirma ito ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, kung saan base sa kanilang natanggap na impormasyon ay hawak na ng Task Force Davao si Ariel Arbitratio. Si Arbitrario na kabilang sa mga peace talks consultant ng komunistang grupo ay kasama sa mga pinalaya matapos magpiyansa para makalahok sa negosasyon. Sinasabing papunta si Arbitratio sa Davao Del Sur nang maharang sa checkpoint sa Davao City. Umaasa si Zarate na mareresolba kaagad ito para hindi na sumama pa ang sitwasyon sa pagitan ng dalawang panig.

Facebook Comments