Npa, Hinamon Ng Isang Senador Na Isuko Ang Mga Miyembro Na Brutal Na Pumatay Sa Ilang Sundalo Sa Bukidnon

6

Hinamon ngayon ni Senator Bam Aquino ang National Democratic Front o NDF na isuko ang kanilang mga miyembro na nasa likod ng pananambang at brutal na pagpatay sa tatlong sundalo sa Malaybalay, Bukidnon. Ito, ayon kay aquino, ay bilang patunay na seryoso ang rebeldeng grupo sa pakikipag-usap sa gobyerno para sa pagkamit ng kapayapaan. Binigyang diin ni Senator Bam, na ang pagkamit sa tunay na kapayapaan ay daan para mapabuti ang pamumuhay ng mga mahihirap na Pilipino. Pero dapat aniya ay mabuti ang hangarin ng magkabilang panig para maipagpatuloy ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan at rebeldeng grupo.

Facebook Comments