Camp Crame – Nagpapatuloy ang consultative dialogue ng Philippine National Police at Commission On Human Rights sa Kampo Crame.
Mismong pinangungunahan nina PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa at CHR chair Chito Gascon ang pagpupulong.
Kabilang sa agenda ng mga ito kaliwat kanang patayan dahil sa maigting na operasyon ng PNP kontra iligal na droga.
Dumalo rin sa pagpupulong ang OIC ng DILG na si undersecretary Catalino Cuy at ang hepe ng PNP IAS o Internal Affairs Service na si Atty. Alfegar Triambulo.
Matatandaang sa ginawang Pagdinig Sa Senado Kaugnay Sa Pagkamatay ni Kian delos Santos, sinabi niyang handa niyang pakinggan ang mga sentimyento at mga idudulog sa kanya ng CHR pero kailangan din aniyang makinig ng CHR sa mga sasabihin ng PNP.
Samantala, binigyan ng 5 araw na ultimatum ng PNP Internal Affairs Service para magsampa ng counter affidavits ang 17 pulis Caloocan na isinasabit sa oplan galugad na naging ugat ng pagkakapaslang kay Kian Delos Santos.
Sa text message ni PNP IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, na nakabatay sa counter affidavits ng mga respondents kung may probable cause ang mga ito para ituloy ang kasong administratibo laban sa kanila
Umaasa naman s Triambulo na bago matapos ang linggong ay magsusumite ng counter affidavit ang mga pulis para maumpisahan ang summary hearing.