Consumer group, nagbabala sa posibleng taas-singil sa kuryente sa Hulyo

Nagbabala ang isang grupo sa posibleng dagdag-singil sa kuryente sa susunod na buwan dahil sa pagsipa ng presyo sa spot market kasunod ng mga brownout dahil sa kakapusan ng supply.

Ayon kay Laban Konsyumer President Vic Dimagiba, ang dapat sisihin sa nangyayari ay ang Department of Energy (DOE) dahil alam na nila noong Abril pa lang na posibleng kapusin ang supply ng kuryente.

Nauna nang sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na posibleng tumagal hanggang Hunyo 7 ang kinakapos na supply ng kuryente sa buong Luzon dahil sa pagpalya ng mga planta.


Gumana na rin ulit ang Sual Power Plant pero bumagsak naman ang isang planta sa Pagbilao, Quezon.

Facebook Comments