Nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go sa pamahalaan na palakasin ang consumer protection habang unti-unting binubuksan ang ekonomiya sa gitna ng COVID-19 crisis.
Ipinaliwanag ni Go na kailangan ng mga consumers ang proteksyon lalo na at limitado na ang kita ng marami sa mga ito dahil karamihan ay ngayon pa lamang nagbabalik sa kanilang mga trabaho at hanapbuhay.
Sinabi ni Go na habang sinisiguro ng gobyerno na mayroong sapat na supply ng mga essential goods at services, dapat ding palakasin ng pamahalaan ang regulasyon sa mga commodities para matiyak na hindi nagsasamantala ang mga negosyo sa public health emergency.
Una nang tiniyak ni Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na babantayan nila ang presyo ng mga goods at services.
Kaugnay nito, hinimok din ni Go ang publiko na magsalita at magsumbong laban sa mga private individuals o mga public officials na sangkot sa mga pagsasamantala lalo na ngayong panahon ng pandemya.