CONSUMER WATCH | Ilang lugar sa San Mateo, Rizal at Novaliches, Quezon City, makakaranas ng power interruption

Pansamantalang mawawalang ng kuryente ang ilang lugar sa San Mateo, Rizal at Novaliches, Quezon City.

Alas-10:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon, walang kuryente sa ilang bahagi ng Barangay Banaba sa San Mateo, Rizal dahil sa line reconductoring works sa Ciudad Licel Subdivision.

Alas-9:00 ng umaga hanggang ala-1:00 ng hapon, magkakaroon naman ng power interruption sa ilang bahagi ng Barangay Sta. Monica sa Novaliches, Quezon City dahil sa line reconstruction works at installation ng additional lightning protection devices sa Doña Rorie Street.


Facebook Comments