IIMBESTIGAHAN | Pagkamatay ng isang preso sa Baras Municipal Jail, patuloy na iniimbestigahan

Rizal – Inaalam pa din ng mga otoridad ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng isang preso sa Baras Municipal Jail.

Sa ulat, biglang bumagsak at nawalan ng malay ang nasawing si Edward Ferrera na nakulong dahil sa kasong rape.

Agad na tumawag ng tulong ang mga kasamahan ni Ferrer kaya at mabilis itong naisugod sa Rizal Provincial Hospital.


Nabatid na kulang sa potasium ang nasabing inmate base na rin sa rebelasyon ng kanyang asawa.

Gayunman, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay ng nasabing preso.

Facebook Comments