Consumer Welfare Assistance Center ng DTI Isabela, Inilunsad sa City of Ilagan

Cauayan City, Isabela- Alinsunod sa pangako nitong protektahan ang kapakanan ng mga mamimili at sa pagdiriwang ng World Consumer Welfare Month, inilunsad ng Department of Trade and Industry Region 2 at ng Pamahalaang Lungsod ng Ilagan ang Consumer Welfare Assistance Center (CWAC) sa Ilagan City Public Market noong Oktubre 27 , 2021.

Inihayag ng mga opisyal ng DTI-R2 sa pangunguna ni DTI Region 2 Regional Director Leah Pulido Ocampo, Assistant Regional Director Ruben B. Diciano, Consumer Protection Division Chief Atty. Cyrus I. Restauro; DTI Isabela Provincial Director Winston T. Singun, Consumer Protection Division Chief Elmer A. Agorto, Business Development Division Chief Ellerie Ramel, kasama ang City Government Officials ng Ilagan.

Ang nasabing unveiling ay pinalakas sa pamamagitan ng memorandum of agreement signing para sa pagtatayo ng CWAC sa pagitan ni Dir. Leah Pulido-Ocampo at Hon. Jose Marie L. Diaz.


Ang CWAC ay magbibigay sa mga consumer ng handang access sa DTI consumer-related information materials at agarang tulong sa mga reklamo ng consumer.

Samantala,nagpahayag ng pasasalamat si G. Gerry Manguira, LGU Ilagan City Market Administrator sa DTI R2 sa pagpapasimula ng naturang adbokasiya.

Aniya, sa pamamagitan ng pinalakas na partnership at visibility ng mga consumer warriors, inaasahan na ang kanyang mga market staff kasama ang DTI ay magbibigay ng kaalaman at kakayahang protektahan ang bawat consumer ng Ilagueño.

Facebook Comments