Maglalabas ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng mga numero ng mga Local Government Unit (LGU) kung saan maaaring magreklamo ang mga hindi nabigyan ng ayuda sa NCR Plus areas.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DILG Usec. Jonathan Malaya, inatasan na nila ang mga LGU na magkaroon ng komite na hahawak at agad na tutugon sa mga reklamong kanilang matatanggap para maisama ang mga ito sa mabibigyan ng cash aid.
Aniya, ang mga nakalista sa Social Amelioration Program (SAP) 1 at 2 ang siyang makakasama sa mabibigyan ng ayuda ngayon.
Batay sa guidelines ng DILG, dapat makatanggap ang bawat indibidwal ng ₱1,000 habang maximum na ₱4,000 kada pamilya.
Facebook Comments