Contact tracing, digital na sa Taytay, Rizal

489

Lubos na ikinagalak nina Taytay Rizal Mayor Joric Gacula, Vice Mayor Mitch Bermundo at ng SB Members sa pakikipag-ugnayan sa Cosmotech Phil. Inc. na pinamunuan ni Mr. Jack Federizo, President and CEO ng naturang IT firm na responsable sa paglikha ng Traze Contact Tracing Mobile Application kung saan wala ng ballpen at papel na gagamitin sa isasagawang contact tracing.

Ayon kay Mayor Gacula, walang papel at ballpen na gagamitin sa pagproseso ng pag-fill out ng mga papel para sa contact tracing method na may pangambang baka mahawa ka pa dahil hindi mo alam kung sino-sino ang humahawak ng ballpen.

Paliwanag ng alkalde, ang pagproseso ng contact tracing ay paperless na ngayon ay digital na ang pagkontak o paghanap sa mga pinaghihinalaang mayroong taglay na COVID-19.

Dagdag pa ni Gacula, hindi na mahihirapan pa ang mga nagsasagawa ng contact tracing at hindi na rin mangangamba pa na mako-kompromiso ang kanilang personal information.

Bukod dito, walang bayad umano kahit isang sentimo mula sa pera ng mga taxpayers ang naturang proyekto.

Facebook Comments