Mahigit P120-K na halaga ng umano’y shabu, nasabat sa Muntinlupa City

42

Nasamsam ng mga otoridad ang 19 na gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P129,200 sa isang buy-bust operation sa Muntinlupa City.


Dahil dito, naaresto rin ang suspek na si Martin Lurio Antazo, 35-anyos at residente ng Ridgeview Subdivision, Paliparan2 Dasmarinas, Cavite.

Ginawa ang nasabing operasyon pasado alas-10:30 kagabi sa Bayfair, Putatan, Muntinlupa City matapos mabilhan ang suspek ng umano’y shabu ng isang pulis na nagpanggap bilang poseur buyer.

Nakakulong na ang suspek sa Muntinlupa City Police Station Custodial Facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments