Bumubuti na ang contact tracing ratio sa National Capital Region (NCR).
Kasabay ito ng pagpapalakas ng Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) at iba pang mga hakbang laban sa COVID-19.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Benhur Abalos, sa kasalukuyan ay nasa 1:19 na ang ratio ng contact tracing sa rehiyon.
Maituturing aniya itong excellent kasabay ng unang sinabi ng Department of Health (DOH) na angkop na ang average na 1:15 ratio.
Samantala, nangangahulugan ang pagbuti ng contact tracing ratio na patuloy na bumababa ang COVID-19 cases sa rehiyon.
Malaki din ang magiging tulong nito sa ekonomiya kasabay nang unti-unting pagpayag ng Inter-Agency Task Force sa pagbubukas ng iba pang negosyo.
Facebook Comments