World Teacher’s Day incentive ng mga guro, ipapamahagi na ng DepEd ngayong araw!

Ipapamahagi na ng Department of Education (DepEd) ang incentive ng mga guro sa bansa kasabay ng paggunita ng World Teacher’s Day.

Ayon kay Education Undersecretary Annalyn Sevilla, may matatanggap na P1,000 incentive bonus ang mga pampublikong guro kasabay ng selebrasyon.

Inaasahang maire-release naman ito ngayong araw para sa halos 90,000 pampublikong guro sa bansa.


Ang World Teacher’s Day incentive bonus grant ay kumikilala sa mahalagang papel ng mga guro sa pagtugon sa mga hamon ng pandemya, lalo na sa pagtitiyak ng dekalidad na edukasyon sa bansa.

Ang selebrasyon ng World Teacher’s Day ay idaraos sa Dahug Cebu.

Facebook Comments