*Cauayan City, Isabela- *Kasalukuyan pa rin ang isinasagawang contact tracing ng lokal na pamahalaan ng Naguilian sa mga posibleng nakasalamuha ng isang health worker na bagong naitalang nagpositibo sa COVID-19 sa bayan.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Mayor Juan Capuchino, i*sang buwan na aniya ang nakalipas na walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 ang bayan Naguilian at ngayon lamang muling nagkaroon ng positibo na isang health worker na lalaki, 23 taong gulang at binansagang si *CV1532.
Maituturing aniya na local transmission ang pagpositibo ng pasyente dahil wala itong history of travel at walang exposure sa mga COVID-19 positive patient.
Isinailalim na rin sa strict home quarantine ang kapamilya nito at agad na nagsagawa ng disinfection sa buong bahay at isinailalim din sa swab test ang mga nakasama sa bahay.
Ayon pa kay Mayor Capuchino, wala aniyang kasiguraduhan kung gaano nagtagal ang pasyente sa kanilang bahay at kung gaano karami ang nakasalamuha nito kaya’t nagpapatuloy pa rin ang ginagawang contact tracing ng lokal ng pamahalaan.
Nasa pangangalaga na ng Southern Isabela Medical Center (SIMC) ang pasyente para ma isolate at mamonitor ang kanyang kalagayan.
Sa ngayon ay hinihintay muna ang resulta ng swab test ng pamilya at iba pang nakahalubilo ng nagpositibo upang mapagdesisyunan ng alkalde kung isasailalim sa lockdown ang purok ng nagpositibo.