Contact Tracing sa mga Nakasalamuha ng Isang Empleyado ng Ospital sa Cauayan City, Nagpapatuloy

Cauayan City, Isabela- Kasalukuyan ang ginagawang contact tracing ng Ester Garcia Medical Center na nakabase sa Lungsod ng Cauayan sa mga nakasalamuha ng empleyadong nagpositibo sa COVID-19.

Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, nakipag ugnayan na ang pamunuan ng nasabing ospital sa Cauayan City COVID-19 Council kaugnay sa pagkakatala ng kauna-unahang kaso.

Nagsagawa na rin ng disinfection sa buong gusali ng ospital at kasalukuyang minomonitor ang pamilya ng nursing aid na nagpositibo.


Nakatakda namang ilipat sa Echague District Hospital ang nagpositibo para ma-isolate at mabantayan ng mabuti dahil itinuturing din itong symptomatic matapos makaranas ng sintomas ng COVID-19.

Kaugnay nito, lalong hihigpitan ang pagpapatupad sa health and safety protocols upang maiwasan ang pagkahawa sa virus at hiniling din ng nasabing pagamutan ang kooperasyon ng bawat isa na ipagdasal ang mga natamaan para sa kanilang agarang paggaling.

Facebook Comments