*Cauayan City, Isabela*- Inalerto ng mga health authorities ang kanilang hanay para mapabilis ang pagtukoy sa mga posibleng nakasabayan ng isa sa mga nagpositibo sa COVID-19 matapos umalis sa Maynila nitong March 14 at dumating ng Cagayan nitong March 15.
Ayon kay Medical Chief Dr. Glenn Matthew Baggao ng Cagayan Valley Medical Center, nakikipag ugnayan na rin ito sa pamunuan ng Florida Bus Company upang makakuha ng bilang ng mga pasahero at mga eksatong destinasyon ng pagbaba ng mga ito matapos ang pagbiyahe.
Patuloy din ang ginagawang contact tracing sa mga nakasabayan sa pampasaherong jeep ng isang Security Guard matapos sumakay sa Tuguegarao City hanggang sa Bayan ng Sto. Niño, Cagayan.
Inaalam din ng mga awtoridad kung posibleng nagkaroon ng pagbaba sa Probinsya ng Isabela kung saan nagsisilbing bus stop ng nasabing kumpanya ng bus.
Hinihimok naman nito ang publiko maging ang mga nakasabayan ng nagpositibo sa covid-19 na makipag ugnayan sa mga Municipal/City Health Office para sa kaukulang aksyon.