Iginiit ng Department of the Interior and Local Government na kailangang magkaroon ng contact tracing teams sa bawat barangay para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang bawat Local Government Unit (LGU) ay kailangang mayroong contact tracing team na binubuo ng local epidemiological surveillance unit, pulis, health worker, at volunteers, maging mga tauhan mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Aniya, sapat na ang isang contact tracing team sa kada barangay pero depende pa rin sa populasyon.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng proactive implementation ng localized lockdown sa Metro Manila.
Sa huling datos ng DILG, aabot na sa 54,042 ang contact tracers na bumubuo sa 3,397 teams sa buong bansa.