Umabot na sa 263,698 ang contact tracers sa bansa na bumubuo sa 30,540 teams kasabay ng pinaigting na contact tracing efforts ng pamahalaan para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, nasa 97.87% ang contact tracing efficiency at 1:6 ang ratio.
Nasa 48,920 contact tracers na ang naka-deploy sa iba’t ibang Local Government Units (LGUs).
Samantala, iniulat din ni Año na nakapagsagawa ang Philippine National Police (PNP) ng siyam anti-illegal operations mula November 16 hanggang 26 na nagresulta ng pagkakaaresto sa 14 na indibiduwal.
Nasa 4.130 kilos ng shabu ang nasabat na nagkakahalaga ng higit ₱28 million.
Facebook Comments