Contactless temperature scanners, nailagay na sa lahat ng istasyon ng MRT-3

30
Photo Courtesy: DOTr MRT-3 Facebook Page

Nakapaglagay na ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) management ng mga bagong-bagong stand-alone contactless temperature scanners sa lahat ng istasyon nito.

Nasa 15 stand-alone temperature scanners ang nailagay sa mga designated areas ng mga istasyon kung saan ay may nakatalagang MRT-3 personnel na siyang nagtitiyak na hindi tataas sa 37.8°C ang temperatura ng mga pasahero.


Bahagi ito ng pagsuporta ng MRT-3 sa layunin ng Department of Transportation (DOTr) sa pagkakaroon ng contactless at mas mabilis na contact tracing system sa mga pampublikong sasakyan.

Umarangkada na rin ang soft launching ng bagong contact tracing web app ng linya na dinevelop para sa mas mabilis na COVID-19 monitoring ng MRT-3.

Facebook Comments