Manila, Philippines – Inirekomenda na ni Senate Committee on Banks Financial Institutions and Currencies Chairman Senator Francis Chiz Escudero ang pagcontempt kay dating COMELEC Chair Andy Bautista.
Ayon kay Escudero, makikipag-coordinate na siya kay Senate President Koko Pimentel para sa paglalabas ng arrest order laban kay Bautista.
Ang hakbang ni Escudero ay makaraang indyanin muli ni Bautista ang pagdinig ngayong araw ng ukol sa posibleng paglabag nito sa Anti Money Laundering Act o AMLA.
Sa liham na ipinadala kay Senator Chiz Escudero ay binigyang diin ni Baustita na wala syang natatanggap na imbitasyon para humarap sa pagdinig dahil wala sya sa bansa simula pa noong November 2017.
Sabi ni Bautista, naghahanap sya ng professional opportunites sa ibang bansa at nagpapagamot din kaya kasama sa liham niya ang certifications mula sa kanyang mga doktor.
Dahil dito ay hiniling ni Bautista kay Senator Escudero na bawiin ang inilabas nitong subpoena laban sa kanya.
Sabi pa ni Bautista, handa niyang sagutin in writing o sa pamamagitan ng sulat ang lahat ng tanong ng Komite ukol sa kanyang umanong tagong yaman.
Pero hindi naniniwala dito sa Escudero dahil base sa impormasyong natanggap ng Komite ay lumabas ng bansa si Bautista noong October 2017 pero bumalik din ng November 2017.
Naniniwala si Escudero na posibleng aniyang nagsisinunglaing si Baustia kaya hihingin nila sa Bureau of Immigration (BI) ang record ng mga biyahe sa abroad ni Bautista.