MANILA – Inaayos na ng ibat ibang ahensya ng gobyerno na may kinalaman sa eleksyon ang contingency plan para matiyak ang ligtas at patas na halalan sa May 9.Ayon kay PNP Chief Director General Ricardo Marquez, isinasapinal na nila ng Armed Forces of the Philippines at iba pang ahensya ang ilalatag na seguridad sa iba’t ibang bahagi ng bansa.Sa ngayon ay may Joint Security Coordinating Center na ang naka-posisyon sa bawat lugar sa bansa na siyang nakikipag-ugnayan sa mga kandidato para bigyang seguridad ang mga lugar na pagdarausan ng kampanya ng mga ito.Sinabi ni Marquez na nakita niya mismo na maayos ang mga nakalatag na seguridad at mga preparasyon na ginagawa ng mga pulis nang bisitahin niya ang iba’t ibang probinsya noong isang linggo. (DZXL 774 // Michelle Bemejo-Abila – Senior News Writer)
Contigency Plan Para Sa Ligtas At Patas Na Halalan Sa May 9, Elections, Ilalatag Na
Facebook Comments