Contingency plan, nakahanda na saka-sakaling may magtangkang manggulo sa halalan – DILG

Pinaghandaan na rin ng pamahalaan ang worst case scenario saka-sakali mang may magtangkang maghasik ng kaguluhan sa nalalapit na May 09, 2022 elections.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec. Jonathan Malaya na mayroon nang contingency plan na inihanda ang Commission on Elections (COMELEC) maging ang Philippine National Police (PNP).

Paliwanag nito, saka-sakali mang may magtangkang i-disrupt ang eleksyon sa Mayo a-9 nakahanda ang civil disturbance unit ng PNP para dito.


Una nang sinabi ni Malaya na nasa 60,000 police personnel ang kanilang ide-deploy at ipakakalat sa mismong araw ng halalan.

Nag-deploy na rin aniya sila ng mga karagdagang tauhan sa mga tinaguriang election areas of concern o election hotspots.

Ayon sa COMELEC, 104 municipalities at 14 cities ang nasa ilalim ngayon ng “red category” habang 10 areas naman ang nasa COMELEC control dahil sa mataas na election-related violence.

Facebook Comments