Hamon na debate ni Robredo, dinedma ni Marcos Jr.

124

‘Hindi kailanman mangyayari’.

Ito ang naging tugon ng kampo ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa hamong one-on-one debate ni Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, hindi nila tinatanggap ang hamon dahil alam na ni Robredo kung bakit.


Aniya, nauunawaan nila ang kabiguan ni Robredo na maka-debate si Marcos.

Sinabi rin ni Rodriguez na magkaiba ang paniniwala nina Marcos at Robredo hinggil sa pamamaraan ng pakikipagtalastasan sa mamamayan.

Mananatili rin aniya ang positibong pangangampanya ng UniTeam dahil puro negatibo at panlilinlang lang kasi ang ginagawa ng kampo ng dilawan.



Facebook Comments