Contingency plan para sa mga mag-sasaka at mangingisdang apektado ng pag-putok ng Taal Volcano, ipinalalatag ng Kamara

Hiniling ni Magsasaka Party-list Representative Argel Cabatbat na maglatag ng agricultural contingency plan ang Department of Agriculture (DA) para sa mga magsasaka na apektado ng ashfall dahil sa pagputok ng Bulkang Taal.

Ayon kay Cabatbat, bagamat wala pang naitatala ang DA na malaking pinsala sa agrikultura ay kailangan pa rin na mapaghandaan ang posibleng mas matindi pang pagaalburuto ng bulkan.

Iminungkahi ni Cabatbat sa DA na ilaan ang bahagi ng Calamity Funds at Quick Response Funds bilang ayuda sa mga magsasaka lalo na sa Batangas.


Bagamat sa katagalan ay magiging beneficial sa lupa ang ashfall pero sa ngayon ay pinsala ang hatid nito na maaaring pumatay sa mga pananim at pagkakasakit ng mga alagang hayop.

Pinakikilos din ng kongresista ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na magplano para sa mga mangingisda tungkol sa pinangangambahang fishkill.

Sa ngayon naitala sa P75.55 million ang estimated damage sa 752 ektaryang pananim habang 6,000 na mga fish cages at ponds ang apektado ng mataas na sulfur content ng ashfall.

Facebook Comments