Contingency plan para sa mga Pinoy sa Libya, pinaplantsa na ng Philippine Embassy

Pinaplantsa na ng Philippine Embassy sa Libya ang kanilang contingency plan sa mga Pinoy doon.

Ito ay sakaling lumala pa ang bakbakan ng mga armadong grupo doon.

Kaugnay nito, muling nanawagan ang embahada ng Pilipinas sa lahat ng Pinoy doon, dokumentado man o hindi ang status na magparehistro.


Sa ngayon ay marami na ring Pinoy ang nakikiisa sa online mapping ng Philippine Embassy sa Libya.

Sa ganitong paraan kasi mapapadali ang paglilikas sa mga Pinoy sakaling lumala pa ang kaguluhan doon.

Facebook Comments