Kinontra ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang plano na gamitin ang ₱13 billion na contingent fund para sa pagtatayo ng Department of Overseas Filipinos (DOFil).
Giit ni Drilon sa Department of Budget and Management (DBM), pahintulutan ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA na ibuhos ang nasabing salapi sa repatriation ng 500,000 Overseas Filipino Workers (OFWs).
Tinukoy ni Drilon ang request ng OWWA na ₱9.8 billion para sa pagpapauwi ng mga Pinoy workers sa abroad na kapapalooban ng gastos sa transportation, lodging at quarantine expenses.
Sagot naman ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, na ang repatriation ang top priority ng gobyerno at isang opsyon lamang ang pagpondo sa DOFil mula sa contingency fund.
“We will not reserve the contingency fund for the creation of the department that’s very clear in the bill,” pahayag ni Nograles.
Banggit pa ni Nograles na mag-uusap ang Inter-Agency Task Force (IATF) para tugunan ang problema.