Panibagong mahigit 5,000 na COVID cases sa bansa, naitala ng DOH

5,290 ang naitala ngayong araw ng Department of Health (DOH) na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

439 naman ang bagong gumaling habang 21 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, 640,984 na ang kabuuang kaso ng COVID sa bansa kung saan ang aktibong kaso ay tumaas pa sa 66,567.


Ang total recoveries ay 561,530 at ang total deaths ay 12,887.

Samantala, 13 pang overseas Filipinos ang nagpositibo sa COVID-19 sa abroad.

4 naman ang bagong Pinoy na gumaling sa COVID sa abroad habang wala muling naiulat na bagong binawian ng buhay.

Bunga nito, umaabot na sa 15,941 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy sa ibayong dagat na tinamaan ng COVID.

Sa nasabing bilang, ang aktibong kaso ay 5,248.

Ang total recoveries naman ay 9,649 at ang total deaths ay 1,044.

Facebook Comments