Contract farming para mabili ang mga surplus harvest, pinalalakas ng gobyerno

Pinalalakas ng Department of Agriculture (DA) sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang market link ng gobyerno sa mga institutional buyers.

Sa pamamagitan ito ng contract farming para mapakinabangan ng mga Pilipinong magsasaka.

Sa pamamagitan ng naturang government support package, magbibigay ito sa mga magsasaka ng market link, halimbawa, sa mga hotel, restaurant at iba pang institutional buyers.


Ang hakbang ay sa harap na rin ng commitment ng Marcos Administration na palakasin ang agricultural value chain na magsisimula sa mga food grower at producers hanggang sa makarating na sa mga consumer.

Facebook Comments