Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Administrative Order (AO) No. 13 na naguutos sa pagbibigay ng one time gratuity pay o insentibo sa mga empleyado ng gobyerno na nasa Contract of service o (COS) at job order (JO).
Batay sa AO No. 13, makakatanggap ng limang libong piso ang mga bawat empleyado na COS at JO na nakapagserbisyo na sa gobyerno ng hindi bababa sa apat na buwan at mayroong existing contract.
Kabilang sa makakatangap ng ₱5,000, ang mga COS at JO ng national government agencies, state universities and colleges, government-owned or -controlled corporations at local water districts.
Una nang inaprubahan ng pangulo ang AO 12, na naguutos para sa pagbibigay ng service recognition incentive na hindi lalampas sa ₱20,000 sa bawat empleyado ng pamahalaan na nasa executive department, national government agencies, SUCs, GOCCs, mga miyembro ng AFP (Armed Forces of the Philippines), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at iba pang ahensya ng gobyerno.
Matatangap ang SRI at gratuity pay bago ang December 15, 2023.