Contractual at job order personnel ng Parañaque City, sakop na ng SSS

Mahigit tatlong libong hindi regular na mga empleyado ng Parañaque City Government ang ngayon ay sakop na ng security benefits ng Social Security System.

 

Ito ay kasunod ng Memorandum of Agreement na pinasok ng SSS at lokal na pamahalaan ng Parañaque City para mabigyan ng benepisyo ang nabanggit na mga job orders at contractual employees sa ilalim ng kaltasss-collect program.

 

Saklaw ng MOA ang pagkakaloob ng security coverage sa mga empleyadong hindi covered ng mandatory membership ng government service insurance system o GSIS dahil sa kanilng employment status.


 

Self-employed ang katayuan ng mga ito habang aaktong collecting agent naman ang City Hall na siyang magre-remit sa kanilang monthly sss contributions sa pamamagitan ng kaltasss-collect salary-deduction scheme.

 

Sa ngayon ay mae-enjoy na ng mga empleyado at pamilya ng mga kontraktuwal at jos ng parañaque city ang mga sss benefits na makukuha kapag nagkasakit, nanganak, disability, retirement, funeral, at death.

Facebook Comments