Manila, Philippines – Hinikayat ng SENTRO ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na aksyunan agad ang ipinahayag ni Pangulong Duterte na ilang media outfits tulad ng ABS-CBN ang pangunahing nagpapairal ng contractualization.
Ayon kay SENTRO Executive Committee chair Arthur Guda, ang interbensyon ng lider gobyerno sa isyu ng contractualization sa mga media outfits ay matagal ng overdue.
Umaasa ang SENTRO na tunay na may malasakit si Duterte sa kapakanan ng mga contractual na mga manggagawa at hindi ito isang cheap trick para i-harasss ang kaniyang mga kritiko.
Ayon pa kay Guda, panahon na para magsagawa ng pagwawasto ang DOLE sa abusive practices ng ilang media institutions.
Facebook Comments