Iginiit ni Senador JV Ejercito na dapat ipagpaliban muna ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang pagtaas ng kontribusyon ng mga miyembro nito ngayong buwan.
Ayon kay Ejercito, ang dagdag kontribusyon ay magiging pahirap sa kalagayan ng mga Pilipino na bumabangon pa lang sa epektong dinulot ng pandemya.
Aniya, ang pagtaas ng premium ay dapat lamang ipatupad sa sandaling makabangon na ang ekonomiya ng bansa.
Inirerekomenda rin ng senador na tanggalin na ang interes sa mga hindi nakuhang kontribusyon ng PhilHealth para sa mga self-employed, professional practitioner, at mga OFW.
Matatandaang itinaas ng PhilHealth ang premium rates nito mula 3% hanggang 4% simula ngayong buwan alinsunod sa Universal Health Care Law.
Facebook Comments