Pagtataas ng buwis, hindi prayoridad ni President-elect Marcos

103

Binigyang diin ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na hindi prayoridad ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang paglikha at pagtataas ng buwis.

Ayon kay Zubiri, sinabi ito ni Marcos sa kanilang pulong dahil hindi nito gusto na buwis agad ang pag-uusapan sa pagpasok ng kanyang administrasyon lalo’t sigurado na hindi ito magugustuhan ng mamamayan.

Binanggit ni Zubiri na mas nais ni incoming President Marcos na tapalan ang mga butas sa pagkolekta ng buwis.


Tinukoy ni Zubiri ang pagsawata sa katiwalian sa Bureau of Internal Revenue (BIR), at Bureau of Customs (BOC) para makapasok sa kaban ng bayan ang tama o nararapat na buwis.

Facebook Comments