Convicted ex-congressman Ruben Ecleo Jr., pumanaw na

116

Kinumpirma ni Bureau of Corrections (BuCor) Spokesman Gabriel Chaclag ang pagkamatay ni dating Congressman Ruben Ecleo Jr. habang naka-confine sa New Bilibid Prisons Hospital sa Muntinlupa City.

Ayon kay Chaclag, alas-12:20 kaninang tanghali, namatay si Ecleo dahil sa cardio pulmonary arrest at mayroon din itong chronic kidney disease.


Kinumpirma rin sa DZXL RMN News ni Chaclag na una nang tinamaan ng moderate COVID-19 si Ecleo pero gumaling na ito noong nakaraang linggo.

Si Ecleo ay unang na-convict sa kasong three counts ng graft at parricide kaugnay ng pagpatay sa asawa nitong si Alona Bacolod-Ecleo.

Facebook Comments