Pagpapalawig ng MECQ sa NCR Plus, sinang-ayunan ng PHAPi

Suportado ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPi) na palawigin pa ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa NCR Plus upang mas bumaba pa ang maitatalang kaso ng COVID-19 sa mga apektadong lugar.

Ayon kay PHAP President Dr. Jose Rene De Grano, nabawasan ang bilang ng COVID-19 patients sa mga ospital ngunit kritikal pa rin ang bilang ng mga pasyente sa Intensive Care Unit (ICU) sa gitna ng MECQ.

Inirekomenda naman ni Dr. De Grano na hangga’t maaari ay palawigin pa ng isang linggo ang MECQ sa NCR Plus bubble.


Sa ngayon, aabot sa 6,385 karagdagang kaso ng COVID-19 ang naitala sa Pilipinas ngayong Huwebes.

Facebook Comments