Convicted US police sa pagpatay kay George Floyd, humiling ng bagong trial

Umapela ng bagong trial sa korte ang kampo ni Derek Chauvin, ang pulis na dumagan sa leeg ng African-American na si George Floyd hanggang sa bawian ito ng buhay noong May 2020.

Ayon sa abogado nito na si Eric Nelson, hindi nabigyan ng patas na pagdinig si Chauvin dahil sa publicity, court at prosecution errors at “race-based pressure” sa hurado.

Matatandaang naging mitsa ng malawakang protesta na “Black Lives Matter” sa Amerika at iba pang lugar sa mundo ang insidente.


Abril nang hatulang guilty sa mga kasong murder at second-degree manslaughter si Chauvin kaakibat ang 40 taong pagkakakulong.

Facebook Comments