Conviction ng recruiter ni MJ Veloso walang epekto sa kaso nito sa Indonesia

Nilinaw ng Palasyo na walang magiging epekto o hindi makakatulong sa kaso ng Pinay OFW na si Mary Jane Veloso ang conviction ng recruiter nito.

Matatandaan na hinatulan ng guilty sa large-scale illegal recruitment ng Nueva Ecija court ang mga recruiters ni Veloso.

Si Veloso ay nasa death row sa Indonesia matapos mahulihan ng 2.6 kilograms ng heroin sa airport noong 2010.


Ayon kay Presidential spokesperson Salvador, good news na convicted na ang mga recruiters dahil mababawasan ang mga lumabag sa batas.

Gayunpaman, hindi aniya ito makakatulong sa kaso ni Veloso dahil nakasuhan ito sa ilalim ng Indonesian laws.

Facebook Comments