Conviction rate ng drug cases sa bansa, tumaas

Tumaas ang conviction rate ng drug cases sa bansa.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nitong 2018 ay nasa 41,583 drug-related cases ang isinampa sa korte at 16,024 dito ay naresolba na.

Mula sa resolved cases, 13,111 ay nagresulta sa conviction na nasa 81.82%.


Ang kasalukuyang conviction ay umabot sa 46.82% kumpara noong 2017, mula sa 41,224 na kasong isinampa ay nasa 35% lamang ang rate.

Dagdag pa ng PDEA, ang conviction rate ay tumaas pagdating sa drug cases na isinampa ng ahensya mula nang manungkulan si Director General Aaron Aquino noong 2017.

Facebook Comments