Local partners, hindi pupwersahing suportahan ang lahat ng kandidato ng HNP – Mayor Sara Duterte

33

Hindi pipilitin ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang mga lokal na kaalyado ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) na suportahan ang lahat ng mga pambato nito sa Senado.

Ayon kay Mayor Duterte – walang pwersahan at hinahayaan nilang magdesisyon ang kanilang mga local partner kung sinu-sino lamang ang kanilang tutulungan.


Aniya, alam ng mga local allies kung sino ang nakatutulong sa lugar nila.

Si Mayor Duterte ang campaign manager ng HNP.

Facebook Comments

From Advertisers