Amerika – Hinahangaan ngayon ang isang lalaki sa United Kingdom dahil sa kakaiba nitong design ng rubik’s cube.
Naisipan ni Tony Fisher na gumawa ng rubik’s cube mula sa yelo kung saan gumamit siya ng mga silicone rubber molds para makuha ang eksaktong hugis nito.
Kaniya itong ikinabit sa twisting mechanism ng rubik’s cube at inabot lamang siya ng isang oras para maperpekto ito.
Para hindi magduda ang mga netizen, ipinakita pa ni Tony sa video kung paano nalusaw ang ice rubik’s cube.
Dahil dito umaasa siya na muling makakasama sa Guiness World Record matapos niyang masungkit ang titulo na may pinaka-malaking rubik’s cube sa buong mundo.
Facebook Comments