PEOPLE’S CHOICE AWARD | Vice Ganda, tanggap ang nakuhang award sa 2017 MMFF

Manila, Philippines – Tanggap na daw ngayon ng TV host/comedian na si Vice Ganda ang naging resulta ng awards night ng 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Nabatid kasi na “People’s Choice Award” lamang ang nakuha ng kanilang pelikula “Gandarrapiddo: The Revenger Squad” kung saan kasama niya si Daniel Padilla at 2015 miss universe na si Pia Wurtzbach.

Todo pasalamat din si Vice sa mga tumatangkilik ng kanilang pelikula at kaniya din sinasagot sa tweeter ang mga nagsasabing walang kwenta ang kanilang entry.


Say pa ni Vice, layunin lang nila na mapasaya ang mga fans ngayong holiday season at maituturing pa ring panalo ang kanilang movie dahil sa maraming nanonood nito.

Facebook Comments