MANILA – Magpapatupad ng coordinated naval patrols ang Pilipinas, Indonesia at Malaysia upang bigyang seguridad ang mga barko na dumadaan sa karagatang nasa pagitan ng tatlong bansa.Ito ay kasunod ng mga insidente ng hijacking at pagdukot ng Abu Sayyaf Group sa Indonesian at Malaysian sailors.Ayon kay Foreign Secretary Jose Rene Almendras, bagama’t hiwalay na magpapatrolya ang mga barko ng tatlong bansa, magkakaroon ng koordinasyon para matukoy kung saan ligtas na makapaglayag ang mga commercial vessels.Aniya, nakatakdang talakayin ng tatlong bansa ang nasabing panukala sa pagpupulong na gagawin sa Indonesia sa susunod na buwan.Napag-alaman na 14 na mga Indonesian at apat na Malaysian ang hostage ngayon ng Abu Sayyaf Group makaraang hinijack ang kanilang barko.
Coordinated Naval Patrols Ng Pilipinas, Malaysia At Indonesia, Ipatutupad Para Bigyang Seguridad Ang Mga Barko Na Dumada
Facebook Comments