Davao City Mayor Rodrigo Duterte, Inaming May Mga Bank Account Na Hindi Nito Idineklara Sa Kaniyang Saln

4

MANILA – Inamin ni Presidential Candidate Davao City Mayor Rodrigo Duterte na may bank account siya sa Bank of the Philippine Island o BPI Julia Vargas Branch at iba pang mga bangko.Pero giit ni Duterte, hindi totoo na P211 Milyon ang laman ng bank account niya gaya ng alegasyon ni Sen. Antonio Trillanes.Aniya, tanging laman lamang ng kaniyang bank account ay P17,500 at P50,000.Paglilinaw pa ni Duterte, na nasa pangalan niya ang account at hindi nila ito joint account ng kaniyang anak na si Sara.Ayon kay Duterte, nakahanda niyang isapubliko ang naturang bank account kung idadaan ni trillanes sa tamang proseso ang pag-uusisa nito.Aminado naman ang alkalde na napipikon na siya kay trillanes.Gayunpaman, sinabi nito na ayaw niyang patulan ang hamon ng senador na magkita sila sa BPI Julia Vargas Branch sa Lunes, May 2.Paglilinaw naman ni Duterte, hindi ito pagtalikod niya sa kaniyang pangako na luwagan na ang bank secrecy law at hayaan makita ng publiko ang yaman nila ng kaniyang katandem na si Sen. Allan Peter Cayetano.Kinumpirma din ni Duterte na mayroon siyang bank account na may lamang p200,000 pero bahagi aniya ito ng kanyang kinita noong siya ay congressman pa.

Facebook Comments