Umarangkada na ang Cope Thunder 23-1, military exercise sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ayon kay Philippine Air Force Spokesperson Ma. Consuelo Castillo, nagsimula ang nasabing pagsasanay kahapon May 1 at magtatagal hanggang May 12, 2023.
Ginaganap ang nasabing military exercise sa Clark Air Base, Pampanga kung saan kalahok dito ang 160 United States Air Force (USAF) service members at 400 airmen mula sa iba’t ibang units ng Philippine Air Force (PAF).
Layon nitong magsagawa ng air to air operations na magbibigay oportunidad sa dalawang bansa na paghusayin pa ang kanilang kapasidad at kahandaan, saka sakali mang magkaroon ng threat sa rehiyon.
Kabilang sa drill ang Defensive Counter Air at Offensive Counter Air operations kung saan sasanayin ang mga kalahok sa identification, tracking at interception ng enemy aircraft.