Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na ang copper masks ay makakatulong pa rin para mapigilan ang pagkalat ang COVID-19.
Ayon sa DOH, ang copper face masks ay hindi aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) dahil hindi ito medical-grade.
Pero iginiit ng DOH na napipigilan pa rin nito ang pagkalat ng virus dahil nagsisilbi itong physical barrier para sa mga droplets na lumalabas sa bibig o ilong ng tao.
Ang pahayag ng kagawaran ay kasunod ng abiso ng Makati Medical Center na pinapayuhan ang mga bibisita na magsuot ng surgical o cloth masks, at hindi copper masks at mga masks na may valves.
Facebook Comments