Cordillera Administrative Region, nananatiling nasa moderate risk sa COVID-19 sa Pilipinas… ilan pang lalawigan, nasa low-risk case classification na lamang

Nananatili ang Cordillera Administrative Region (CAR) bilang nag-iisang rehiyon sa bansa na itinuturing na moderate risk sa COVID-19.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, karamihan sa mga rehiyon ay nasa minimal hanggang sa low-risk case classification na lamang.

Aniya, ang CAR ay nakapagtala ng Average Daily Attack Rate (ADAR) na 9.76 sa kada 100,000 indibidwal sa rehiyon.


Nasa 46.02 percent naman ang bed utilization rate sa CAR habang ang mechanical ventilator utilization rate rito ay nasa 27.71 porsyento at ang Intensive Care Unit o ICU utilization rate ay nasa 60.36 porsyento.

Sinabi naman ni Vergeire na parehong nananatiling low-risk ang Pilipinas at National Capital Region (NCR).

Ang National Capital Region ay mayroong bed utilization rate na 26.55 percent, mechanical ventilator utilization rate na 21.09 percent at ICU utilization rate na nasa 30.72 percent.

Facebook Comments