31.5 million Pilipino, fully vaccinated na laban sa COVID-19

Tinatayang 31.5 million Pilipino o katumbas ng 40.93 percent ng target population ang fully vaccinated na laban sa COVID-19

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, umakya.t na sa 69.7 million doses ang COVID-19 vaccines na naiturok na ng pamahalaan sa buong bansa.

Sa bilang na ito, 18.9 million ay naiturok sa National Capital Region (NCR).


Sinabi pa ni Roque na sa Metro Manila ay 92.1 percent na ng target population ang fully vaccinated na rin laban sa virus o katumbas ng higit 9 milyong Pilipino.

Umakyat na rin sa 101.9 percent ng target population sa rehiyon ang nakatanggap na ng first dose ng bakuna.

Facebook Comments