Cordillera Region, ilalagay sa GCQ mula Feb. 1 hanggang 15

37

Ilalagay sa General Community Quarantine (GCQ) ang Cordillera Administrative Region (CAR) mula February 1 hanggang 15.

Ito ang kinumpirma ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong.


Ayon sa alkalde, magpapatupad ng mahipit na border control sa pagitan ng Benguet at Mountain Province sa kaparehas na panahon.

Ibig sabihin, ang mga biyahero na nais pumasok sa Benguet at Mountain Province ay kailangang magpakita ng medical clearance sa mga awtoridad.

Tanging essential travels lamang ang papayagan.

Facebook Comments