Lola na Positibo sa COVID-19 sa Cagayan, Nasawi

21

Cauayan City, Isabela- Nasawi ang isang 75 anyos na lola sa bayan ng Alcala dahil sa kaniyang malalang sakit kasabay ng COVID-19.

Dahil dito, umaabot na sa 30 ang naitalang COVID-19 related deaths ng probinsya ng Cagayan.


Kinilala sa bansag na CV5988 ang nasawing lola na taga-Centro Sur, Alcala.

Una rito, itinakbo sa pribadong pagamutan ang matanda noong January 12 dahil sa kaniyang sakit na diabetes at malalang pneumonia maliban pa sa sintomas nito ng COVID-19 na lagnat, ubo, diarrhea at panginginig ng katawan.

Lumabas sa resulta ng swab test nito noong January 13 na positibo sa virus.

Inilipat sa CVMC ang pasyente para sa mas mainam na gamutan ngunit binawian ito ng buhay noong hapon ng Lunes, Enero 25, 2021.




Batay sa pagsusuri sa pasyente, hindi na nakayanan ng katawan nito ang malalang diabetes at kritikal na pneumonia dulot ng COVID-19 virus.

Si CV5988 ay pangalawang nasasawi na sa Alcala, pang-30th mortality sa Cagayan at pang-125th Covid death sa Lambak Cagayan.

Facebook Comments