Cordillera Youth Brigade, Nagbigay ng Donasyon sa mga Biktima ng Bagyong Rolly

21

Cauayan City, Isabela- Nagkaloob ng iba’t ibang klase ng damit para sa mga biktima ng super typhoon rolly ang grupo ng mga kabataan na Youth for Peace-Cordillera Youth Brigade (CYB) na tinanggap ng 5th Infantry Division, Philippine Army sa Camp Melchor F Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela.

Si Mr. Kelly Malondon, Presidente ng CYB Kalinga Chapter kasama ang iba pang miyembro ay ipinasakamay ang 38 karton na naglalaman ng mga damit mula sa mga pinagsama-samang tulong ng mga kabataan sa Kalinga.


Target na mabenepisyuhan nito ang mga residente sa Bicol Region habang nananatili naman ang mga damit sa kampo at hinihintay pa ang paparating na tulong mula sa mga Non-Government Organizations, partner agencies, at line units ng 5ID.

Kaugnay nito, nagpapakita lamang ng magandang ugnayan sa pagitan ng CYB at 5ID na sumisimbolo sa gampanin ng kabataan sa bansa.

Pinuri naman ni BGen Laurence Mina PA, Commander ng 5ID ang nasabing organisasyon dahil sa pagpapakita ng magandang halimbawa sa iba pang mga kabataan na makilahok sa kawang-gawa para sa mga naging biktima ng kalamidad.

Facebook Comments